Feeling winner! Template ng Lotto winner pinagpiyestahan! Social media, inulan ng memes

Kung hindi ka man pinalad na manalo sa Lotto, walang problema. Pwede ka pa ding maging feeling winner sa template na kumakalat ngayon sa social media.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Pinagpiyestahan na naman ng makukulit na netizens ang larawan ng huling winner ng Lotto kung saan halatang halata ang pagkaka-edit ng kaniyang damit at mask upang diumano protektahan ang kanyang pagkakakilanlan.

Inamin naman kasi ng pamunuan ng PCSO na sila ang nag-edit ng larawan para anya sa kaligtasan ng mga nanalo – yun nga lang hindi talaga nila forte ang editing. Ang sad naman!

Kaya naman to the rescue ang mga mahihilig mag-edit sa social media na ginawa nang meme at backdrop ang larawan ng PCSO sa kanya-kanyang nakakatawang scenario.

Kung gusto mong feeling winner ka lang kahit hindi ka tumaya:

May nagbigay din ng tutorial.

May pa-multiverse effect din.

May nagbigay na ng template para kanya-kanyang edit na sa profile pic.

Pati Angkas ay nakipasiklab na din.

Hindi talaga matatawaran ang taba ng utak ng mga online alaskador. A for effort!