Usap-usapan ngayon ng mga loyal fans ng “Goin’ Bulilit” ang feeling nilang tumatanda na sila dahil ang mga anak na ng OG cast members ang kasali ngayon sa reboot version ng gag show. Kumalat kasi ang larawan ng anak ni Bugoy Cariño na si Scarlet na pasok na sa bagong “Goin’ Bulilit.”
Ang tanda niyo na mga mhie. Pasok sa Goin' Bulilit ang anak ni Bugoy nakakaloka ❤️ pic.twitter.com/XMw6zDunxj
— Auntie Selina (@auntieselinamo) June 22, 2024
Sa post ng netizen na si Auntie Selina, umulan ng mga nakakatawang hinaing ang tita generation na nakaabot sa unang run ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Ngayon naman ang kanilang mga bagets na ang nagiging fan ng show. Reklamo ng ilan, nagkaanak na ang mga OG Goin’ Bulilit pero sila naman ay nananatiling single.
hindi pa teh maaga lang nagka anak si bugoy HAHHAHAHAHHAHAH
— Yeana (@ChiaraBabyyyyyy) June 22, 2024
Yung anak ni bugoy please lang baka maunahan mo pa ko magkaanak🤦✌️😂🤣
— Kristina Samantha 08 (@CatorCharlene) June 22, 2024
Akala ko kapatid nya 'to!?? 😭
— 𝕏 (@iamnotma1) June 23, 2024
Cute
— ttrmary (@ttrmary) June 23, 2024
admittedly…. that makes me an awesome granny… it’s a fact🤗
— Nats Z. Reyes (@reyes_nats) June 23, 2024