Feeling Singapore na ang commuters ng Cebu kung maaprubahan ang isang resolusyon ng isang konsehal na nagmumungkahing magkaroon na ng mga double-decker bus sa siyudad.
Ayon kay Cebu City Councilor Rey Gealon, chair ng Traffic Management Committee, bukod sa mga double-decker bus na inspired sa bansang Singapore, kasama sa proposal ang paggamit ng Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) route para sa mga nasabing bus kung maaprubahan ang draft resolution na ipipresenta niya sa Pebrero 7, ayon sa ulat ng Cebu Daily News.
“Double-decker buses could maximize ridership, and in turn, could transport a higher number of people” using fewer buses,” ayon sa bahagi ng nasabing resolusyon.