Ikaw na talaga, Niana! Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat!
Napa “wooooow” ang BTS star na si Jungkook sa social media star na si Niana Guerrero matapos sayawin ng huli ang cover ng kanyang kanta na “3D” sa TikTok.
@nianaguerrero this song 😭🔥 ( dc @OL ♬ 오리지널 사운드 – BTS

Maraming netizen ang natuwa dahil hindi lamang “ni-like” ni Jungkook ang post ni Niana kundi nag-iwan pa ito ng komento sa dalaga.
Ngunit hindi pa diyan natapos ang lahat. Sa isang bagong TikTok post ni Niana kung saan ay sinayaw niya ang “greedy” ni Tate McRae, nag paramdam ulit ang BTS star.
“Yeahhh,” saad ni Jungkook sa kanyang comment. Napa “AAAAH” naman si Niana.
@nianaguerrero love seeing yall do this dance 😍 ( dc me)

Nagkandarapa naman ang mga Jungkook fans na hanapin sa comments section ang komento ng BTS star.
“Favorite ni Lord haha,” ang nasabi na lang ng isang netizen kay Niana.
“Manifesting collaboration!” mungkahi ng isang excited na fan.
“Di ako magugulat kung isang araw our bunso (Jungkook) and Niana [will do a] dance collab,” komento din ng isa.
“Napakagaling naman talaga nya eh kaya na notice ni JK (Jungkook),” saad naman ng isa.
“Parang awa mo na Niana, paki pin na lang yung comment hirap na hirap na kami,” sabi ng isang netizen na may crying emojis pa.
Noong Agosto ay marami rin ang nagulat ng finollow ni Jungkook si Niana sa TikTok.