Father-daughter tandem, nagpabilib sa kanilang ‘Asoka’ Challenge entry

Netizens napabilib ni Tatay Efren at Engr Niña sa kanilang entry sa viral na Asoka Challenge.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Madalas na bonding ng mag-amang Efren at Niña ang pagsasayaw. Mapaluma o makabagong kanta, hindi pinalalampas ng mag-amang ito mula Cebu City.

Kaya naman hindi na nakakagulat na maging sila ay nakisabay na sa usong viral dance ngayon na “Asoka Challenge”.

Sa video pinost sa kanilang YouTube page, makikita ang mag-ama na game na game na umindak sa pagsayaw ng “Asoka Challenge”.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa galing ng pag-hataw ng mag-ama, lalo na para kay Tatay Efren na nakakabilib gumiling kahit na may edad na.

“ang galing ni tatay sumayaw”

“tatay ikaw na lang magturo skin magsayaw ang galing mo kc”

“cute mo lolo galing”

“sana ol ganyan ang tatay”

“your dad is so slay and you to girll”

Ang Asoka Challenge ay pinauso ng isang Indonesian influencer, kung saan ginamit niya ang kanta ng 2001 Bollywood film na “Asoka” habang pinapakita ang pag transition niya sa isang Indian bride.