May pa-dance break na naman ang volleyball duo na sina Kim Kianna Dy at Majoy Baron nang magpatimpla ng kape ang isa sa kanilang mga kasamahan.
Sa TikTok video ni Majoy, gumawa sila ng POV video kung saan simpleng naghahanap lang ng kape si Kim Fajardo pero bago pa makatikim ng mainit na inumin, sinalubong muna siya ng mabilisan at makulit na sayaw ng dalawa habang hawak ang electric kettle.
@majoybaron Pov ni @Kim Fajardo nung sabi niya gusto niya ng kape @Kianna Dy ♬ sonido original – Enfasis ✌🏻❤️
Instant hit ang clip sa comments section, at syempre, todo react ang netizens sa kakulitan ng volleyball besties:
“Sasakit talaga ulo ni KAF kahit nakatago pa yan. HAHAHAHAHAHAHA”
“Lumalambot na talaga kayo omg!! 😂😂”
“tubig po pinapainit hindi po yung ulo nung nag r request”
“yan ganyang sayaw bagay sa inyo 🥰”
“Kumukulo na naman dugo ko 😭🤣”