Fanboy ni Kim Soo Hyun, lumikha ng chalk art sa Baguio hango sa ‘Queen of Tears’

Pinabilib ng isang Baguio-based artist ang mga nakakita ng kanyang chalk art para kay Kim Soo Hyun at Kim Ji Won.

Habang papalapit na ang kapanapanabik na ending ng “Queen of Tears” na umabot na sa isang bilyong views sa buong mundo, ipinakita ng Baguio-based artist na si Azra El ang kanyang suporta sa kanyang paboritong Korean actor na si Kim Soo Hyun sa pamamagitan ng paggawa ng chalk art para sa idolo.

At hindi lamang iyan, pinarisan pa ni Azra El si Kim Soo Hyun ng isang chalk art din ni Kim Ji Won na gumaganap bilang kanyang asawa sa K-drama series.

Ayon sa artist, paborito niya talaga si Kim Soo Hyun kaya niya sinimulang panoorin ang “Queen of Tears” ngunit kalaunan ay mas na-appreciate na niya ang pagkakalatag ng istorya at ang chemistry ng buong cast.

“I then started watching Queen of Tears because of him (KSH) and woah, the drama was well written and not only him, but all of the cast are perfect for their roles, together with Kim Ji Won, their chemistry is spot on and also, every episode is a rollercoaster ride!” sabi niya sa isang panayam ng blogger na si Feisty Unnie.

Sa serye, gumaganap bilang mag-asawa sina Kim Soo Hyun, isang abogado at si Kim Ji Won, isang heredera ng isang malaking department store chain, na nasa gitna ng pag di-divorce dahil sa kumplikasyon sa kanilang pamilya at personalidad.

Isinulat ni “Crash Landing on You” at “Goblin” writer Park Ji-eun ang “Queen of Tears” kaya’t sobrang sabik na ng mga fans sa huling dalawang Linggo nito kung magtatapos ba ito sa happy ending.

“Awesome my dear!!! ang galing..” “Kim Chiu and Paulo Avelino next please” “ang galing”