Fanboy mode on: Ronnie Alonte, todo suporta kay Johnny ng NCT 127 kahit kalaban ang Team Pilipinas

Aliw ang netizens sa pag-fanboy ni Ronnie Alonte kay Johnny ng NCT127 sa naganap na “BENCH: Shoot of Asia 2025.”

Laging nariyan ang pagiging proud Pinoy, pero tila may ibang priority si Ronnie Alonte nang makita si Johnny ng K-pop group na NCT 127 sa basketball court.

Sa isang viral na Facebook Reels ng Kapamilya star, makikitang all-out ang kanyang fanboy energy sa “BENCH: Shoot of Asia 2025,” kung saan naglaban ang Korea Rising Eagles at Team Philippines Kuys Showtime sa isang intense na basketball showdown.

Imbes na i-cheer ang mga kapwa niyang Pinoy celebrities, mas pinili ni Ronnie na suportahan muna ang kabilang team, dahil nga andoon si Johnny ng NCT 127. At nang matumba si Johnny sa gitna ng laro, todo sigaw at violent reaction agad si Ronnie, parang ready nang pumasok sa court para tulungan ang idol niya.

“Eto dahilan bakit nagalit sakin mga kababayan ko 🤦🏼‍♂️😂.. suri guyhss,” biro pa ni Ronnie sa caption ng video.

Syempre, aliw na aliw din ang netizens sa kanyang betrayal of the year moment:

“RONNIE VS PHILIPPINES HAHAHHAHHAA”

“HAHHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA k lang yan r2 para di na umulit aahahahahaah eme”

“HAHAHAHAHHAHAHA PINAGLABAN KA PA RIN NAMIN!!”

“Eguls sayo ya, di mo tinayo HAHAHAHA”