Fan approved: Wattpad fans, excited sa naging casting ng ‘My Husband is a Mafia Boss’

Pinusuan ng libo-libong fans ang desisyon ng Studio Viva na gawing bida ng “My Husband is a Mafia Boss” si Joseph Marco.

Para sa mga fans ng Wattpad series na “My Husband is a Mafia Boss,” approved na approved ang casting na ipinalabas ng Studio Viva para sa live action adaptation nito. Pinagsama ba naman si Joseph Marco sa newcomer na si Rhen Escano para gumanap bilang main characters at sa press conference pa lang, umaapaw na ang kanilang chemistry.


Para sa project na idi-direct ni Fifth Solomon, gagampanan ni Joseph Marco ang role ni Ezekiel “Zeke” Roswell, isang mafia boss na nagpakasal sa isang ordinaryong babae na si Aemie, na gagampanan naman ni Rhen.

Gaya ng ibang entries sa mga bad boy trope, unti-unting mai-in love sa isa’t isa ang dalawang bida kahit na magkaiba ang kanilang mga ugali at personalidad.


Isa ang “My Husband is a Mafia Boss” sa mga live action adaptations na ilalabas ng Viva ngayong taon kabilang na ang “Project Loki,” “Hell University” at ang patok na teen serye na “Ang Mutya ng Section E.”