Fairy walk sa Siquijor nauwi sa tawanan dahil sa nakakatawang twist sa dulo

Isang aesthetic fairy walk sana ang plano ni Claire Porras, pero naging epic fail ito nang aksidente niyang mahila ang crew papunta sa tubig.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang solo fairy walk sa Siquijor ang nauwi sa nakakatawang aksidenta matapos mahila ng uploader ang isang stuff sad ulo ng walkway.

Sa nakakatawang viral TikTok video na umani ng 8.1 million views, ibinahagi ni Claire Porras ang dapat na nakakaganda at nakaka-aesthetic na fairy walk ay naging epic fail real quick.

Paano ba naman, sa simula ay super graceful ang galaw ni Claire na parang si Anne Curtis lang. Pero pagdating sa dulo, aksidente niyang nahila si kuyang nakaassign sa tubig. Imbes na elegant exit, nagkaroon tuloy sila ng instant duo performance.

Sa caption, napa “Huhu sorry kuya😭🥲” na lang si Claire, pero mukhang sulit naman dahil milyon-milyong netizens ang natuwa sa kanilang unintentional tandem.

@clarie_porras

Huhu sorry kuya😭🥲

♬ the psycho intro gone wrong ㅠㅠ – Arielle

Laughtrip din ang netizens sa comment section:

“Kuya: Pati ako muntik maging kwento HAHAHAHAHAHAHAHA”

“12 midnight na tas yung tawa ko anlala😭”

“you jump, i jump ang atake HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

“patulog na sana ako pero HAHAHHAHAHHAHA”