F na F! Vlogger Viy Cortez, nag ‘Queen of Tears’ moment sa isang mall

Umulan ng suporta at pang-aasar ang post ni Viy Cortez na nag mala-chaebol sa isang mall.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dalawang linggo mula nang matapos ang hit drama na “Queen of Tears” ay mukhang buhay na buhay pa rin ang QoT fever sa mga Pinoy fans. Isa na sa mga fans ng K-drama ay si vlogger Viy Cortez na kamakailan lamang ay nag-moment ng mala-Hong Hae In sa isang mall sa Maynila.

Sa nakakatawang TikTok post ni Viy, sinabi niya na sinabwat lang niya ang mga guards na nakita niyang hindi naman masyadong busy sa mall para matupad ang kanyang pag fi-feeling na CEO ng isang malaking mall.

Nakisama naman sila kuya guard kay Viy at maging ang mga mallgoers ay natuwa sa mga kalokohan ng Team Payaman content creator.

Sa “Queen of Tears,” si Hong Hae In ay ang CEO at tagapagmana ng Queen Department Store, isang high-end mall sa Korea.

@viy.cortez

Dahil wala namang nagkakagulo para di masayang ang porma nila kuya sinamahan nalang nila ako mag feeling hae-in😅😅😅😅

♬ Love You With All My Heart – Crush

Sa comments section, naghalo naman ang mga mapang-asar at ang mga supportive sa K-drama moment ni Viy.

“asan si hyun-cong? HAHSHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

“ano po ba kaso niya?”

“may naiwan po kayo sa taas :>”

“hahahhahaa hae in ng pinas 💗”

“’Tanggalin yan’ ‘ayoko niyan’ nasan po si Baek Cong Woo”