Napasaya na naman ni Rufa Mae Quinto ang libo-libo niyang mga fans nang lumutang ang video ng pagtanggap niya ng award mula sa PMPC Star Awards for TV noong 2018.
Kung ang ibang artista, seryoso at mangiyak-ngiyak pa kapag tumanggap ng parangal ibang iba si Peachy.
Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang kanyang Triple F—family, friends at fans pero ang kanyang huling hirit ang siyang naging dahilan kung bakit naging memorable ang kanyang speech.
“To my triple F, F, F Hooray!” hirit niya. Nanalong Best Comedy Actress para sa palabas na “Home Sweet Home” si Rufa Mae ng taong iyon.
Hindi naman nagtaka ang mga fans sa kanyang witty hirit dahil kahit sa pinaka seryosong sitwasyon ay nagagawa pa din ni Rufa na magpatawa.
“Magaling talaga magpatawa…Ndi lang sya binigyan ng malaking hinaharap,,,binigyan p sya ng malaking utak.”
“Ito talaga ang taong hindi scripted ang pagpapatawa”
“This person will not age rapidly. Her humor will keep her young! Katawa ka teh! Galing mo”
