Eyebrows on fleek! Mga asong dinrowingan ng kilay, patok sa internet

Isang nakakatawang sorpresa ang bumungad sa isang mag-asawa nang makitang lahat ng kanilang aso ay biglang nagkaroon ng kilay.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Madami talagang kalokohang naiisip ang mga bata. Tulad na lamang ng naisipan ng isang batang lalaki kung saan napag-tripan niyang drawingan ng kilay ang lahat ng kanilang mga aso.

Ibinahagi ng mga nagulat na magulang ang eksenang tumambad sa kanila nang makita nila ang kanilang mga alaga na may eyebrows on fleek gamit ang pentel pen.

Ang mga pobreng aso naman, hindi malaman kung bakit humahagalpak sa tawa ang kanilang mga amo.

Marami namang natuwa sa kanilang nakita at sinabing talagang gumanda ang kanilang umaga ng makita ang mga inosenteng biktima ng pagdo-drawing.

(Facebook/Jerrail Sims)

“I needed that laugh, but they’re so cute”

“I love this so much”

“GOOD MORNING! This is what I needed!”