Eyebrows on fleek! Aspin, naging perfect mowdel sa makeup tutorial

Pak na pak ang final results ng isang make up tutorial tampok ang isang cute na aspin.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Practice makes perfect talaga ang keyword para sa makeup tutorials kaya naman ang isang nais maging beauty influencer, naisipang pagpraktisan ang alagang aspin kung papasa na ba ang kanyang makeup skills.

Natawa ang mga netizens sa OP na nag-drawing ng eyebrows on fleek, eyeshadow at nilagyan pa ng contour ang alagang aso kaya naman ang ending, pak na pak ang naging itsura nito.

May mangilan-ngilan mang umangal na hindi ito dapat ginagawa sa hayop, marami din ang dumepensa dahil kita naman sa video na very cooperative ang aso at hindi ito pumapalag sa kanyang fur mom habang ginagawa ang makeup tutorial.

Ani ng marami, hindi din naman nasasaktan ang aso dahil banayad naman ang pag-handle ng nag-memake up.

“You see how she Drew my eyebrows.. Very mindful, very demure, very contouring… Who you?”

“Sana all beshie may kilay”

“Galing mo mag make up lods”

“So pretty”

“Awww so cute”