Dahil instant crush ng bayan ang rising star na si Eman Bacosa Pacquiao at tila mahaba na ang pila ng mga gustong mag-aaply bilang jowa, isang TikToker ang hindi na nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na mismo sa tatay na si Manny Pacquiao para i-submit ang kanyang “application.”
Sa isang nakakatawang video na ibinahagi ni @_inkxgel, makikitang maingat pa siyang lumapit sa boxing icon bago pabulong na itinanong kung single pa ba si Eman.
Sumagot naman ng “oo” si Pacquiao, saka nag-follow up ang dalaga kung maaari ba siyang mag-apply.
Natawa na lamang si Pacquiao at saka sinabing, “Mag-apply ka. Mag-apply ka,” na para bang may VIP counter ang proseso.
@_inkxgel Nag-cut na ako ng pila para kay @Eman Bacosa Pacquiao ♬ original sound – gaeeeeeee
Siyempre, hindi ito pinalampas ng netizens na pabirong umalma sa kanyang pag-“shortcut”:
“express lane ka te?”
“tinalo na si jillian ward! nagrekta na si ante 😂😂😂”
“kala ku may pila, direct backer pala🤣🤣🤣”
“Di to pwediii!! madayaaaa 😭”
“Wag ganun ate maraming nakapila 😅”
“Ano ba yan naunahan! Tsk”