Sa halip na “Mr. Rover” ng South Korea, naging “Iskolar ng Bayan” ang peg ni Kai ng EXO matapos niya suotin ang UP Maroon jacket na regalo ng isang Pinoy fan.
Noong Hulyo 27, bumisita si Kim Jongin, o mas kilala bilang Kai, sa Pilipinas para sa kanyang solo concert tour na “KAION.”
Pero hindi lang si Kai ang may pasabog para sa fans, dahil ang mga Pinoy EXO-Ls ay bumawi rin ng todo sa pamamagitan ng sigawan, pagmamahal, at mga espesyal na regalo.
Sa isang viral TikTok video ni @kenkai147, makikitang binubuksan ni Kai ang mga regalong natanggap mula sa fans. Isa sa mga pinakapumukaw sa kanya ay ang pulang jacket na may tatak ng Unibersidad ng Pilipinas.
Nang marinig niya ang masigabong hiyawan, agad niyang isinuot ang UP Maroon jacket. Lalong nag-ingay ang audience habang kinanta nila ang UP chant, sabay pose at pa-cute si Kai on stage.
@kenkai147 He is soo cuteee 😭😭😭😭 #kaioninmanila #exo #exol #exokai #kimjongin ♬ original sound – 🐻KEN🐻
Tuwang-tuwa rin ang mga team bahay EXO-Ls sa comment section:
“Nag concert lang yung tao inenroll nyo pa sa school 😭”
“kai feeding our deluluness 😂”
“Apakgawapoooo”
“Isa syang EXO-lar ng Bayan 🤣”