Man holding an empty blue water gallon container as a funny prank gift during a color-themed exchange gift party.

Exchange gift o mag-refill? Color-themed na regalo na nauwi sa basyo ng tubig, kinaaliwan ng netizens

Exchange gift o mag-refill? Viral ang funny color-themed exchange gift na ito na nauwi sa basyo ng tubig. Panoorin ang nakakatawang video.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isa na namang hindi tinipid pero nilaro ang atake ng isang exchange gift sa pagitan ng isang magbabarkada.

Sa TikTok video ni @‌jckylstr, ipinakita niya ang kulay blue na regalo ng kanyang kaibigan sa kanilang barkada at ito ay walang iba kundi isang basyo ng tubig na walang laman.

Tawang-tawa ang kanilang mga kaibigan habang ang iba’y umiiwas pa habang inaabot ito. Napa-caption na lang ang uploader ng, “color-themed exchange gift trend, kupal edition”

@jckylstr

color-themed exchange gift trend, kupal edition 😆 something blue ngani HAAHHAHAHA

♬ DubiDubiDapDap – hotlinebling

Na-appreciate naman ng mga netizens ang malarong gift idea:

“huuy, mahal din yan ha”

“Bakit sila umiiwas? Eh ang mahal nyan”

“mahal din yan ha😂gusto ko nga bumili niyan kasi sira na ang ganyan Nami🥺,pero di afford😅 ka jolly lang talaga😂”

“Hahahaha kailangan pang habulin yung pagbibigyan imbis pag agawan 🤣🤣 blue nga naman, very useful pa.”

“EXCHANGE GIFT ❌ MAG REFIL ✔️”