Natawa ng husto ang mga netizens sa viral video ng isang estudyante na napunta bigla sa kanyang kamay ang ice cream ng kaklase na para bang brilyante mula sa “Encantadia.”
Sa TikTok video ni @chocochoca04, makikitang humatak siya ng kapwa estudyante para mag-interview ngunit sa pagkakahila niya ay tumalsik ang ice cream na nasa ap ana hawak nito at napunta sa kamay ng magtatanong.
At ang malala pa, hindi niya ito agad binalik at ginala pa ito habang naghahagalpakan ang mga nasa paligid.
“Saan si Metina? Para ibigay ko sa kanya ang Brilyante ng Ice Cream para siya na talaga ang tatawaging pinaka malakas sa Encantadia!” pabirong caption ng uploader.
@chocochoca04 Replying to @liyahh Brilyante ng Ice Cream #encantadia ♬ original sound – Miss Bliss
Napuno rin ng mga birong hirit sa comment section ng video:
“POV: yung mag tatanong kalang pero bigla ka nag ka brilyante 😭😭”
“ito po ba ‘yung dirty ice cream?”
“Sarap n’yan anak, maalat-alat! 😌”
“UNG TAWA QQQQQ NASA JEEP AQ PLS LANG”
“Ibalik na agad pls”
“si kuya naman ginala pa yung ice cream 😭😭😭 HAHHAHAHAHA”