Viral ang isang estudyanteng taga-hawak ng susi matapos itong ma-late at maantala ang buong klase sa pagpasok sa classroom.
Sa isang viral TikTok video na inupload sa class account ng Sergio Osmeña mula Iligan City National High School (ICNHS), makikitang nakatambay sa labas ng classroom ang kanyang mga kaklase dahil wala pa ang taga-bukas ng pinto.
Tila nagsisimula na ang klase sa kanilang long quiz nang sa wakas ay dumating na ang estudyante, dahilan para sabay-sabay na makapasok ang buong section.
Humingi na lang siya ng paumanhin sa comment section gamit ang handle na @shannispretty: “Sorry guys love u all.”
@sergio.osmenia Sa gawas pa ga long quiz HAHAHAHA #DakilangOsmeña #Osmeñapocalypse #icnhs #fypシ゚ #xyzbca @shannispretty ♬ original sound – יחיד יחיד
Bumenta ng husto ang video sa netizens, lalo na sa mga nakaisip kung ano ang magaganap kung sakaling hindi dumating ang taga-hawak ng susi.
“Pano pag absent?😭”
“luh paano kong ABSENT ASK LANG PO”
“nag TikTok pa daw bago pumasok😭”