Estetik ng baha! Nadine Lustre, naloka nang mapagkamalang baha ang kanyang bagong upload sa IG

Naloka si Nadine Lustre sa reaksiyon ng mga fans sa kanyang estetik na kuha ng dagat.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil uso ngayon ang mga kuha tungkol sa bahang sumalanta ng maraming tahanan sa Maynila at mga karatig probinsiya, naloka ang Presidente ng Internet at Reyna ng Estetik na si Nadine Lustre nang mapagkamalang tubig-baha ang payapang dagat na inupload niya sa social media.

Naloka si Nadine sa seryosong mga papuri sa aesthetics ng kanyang shot lalo pa at nasa isip ng mga fans na tubig-baha ito.


“ang linis ng baha😭”

“Bakit parang ang bango ng baha sainyo?”

“ang estetik naman ng baha,” komento ng netizens.

“HINDI YAN BAHA NKKLK!” depensa ni Nadine sa kanyang post habang natawa na lang ang mga fans sa kanilang pagkakamali.