ESPN is waving! Courtside reporting ng isang binatilyo, kinaaliwan ng netizens

Play-by-play announcer benta sa netizens ang intensity habang tumatawag ng laro
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok na patok sa mga netizens ang style ng isang play-by-play announcer na nilampasan pa ang intensity ng laro na kanyang tinatawag.

Sa Tiktok video pinost ni @prtty_lean_, makikita ang isang batang announcer na G na G sa pagtawag ng basketball game habang sinasabayan din niya ang laro sa loob mismo ng court.

Kita din sa video na hindi napapagod ang binatilyo sa pagtakbo hanggang kinukwento ang nagaganap sa laro gamit ang isang mikropono.

Madidinig din sa video ang mga nanonood sa gym na aliw na aliw sa style ng binata.

“Masyadong ginalingan HAHAHAHA,” sabi ni @prtty_lean_.

@prtty_lean_ Masyadong ginalingan HAHAHA#trending ♬ original sound – L🌷

Maging mga netizens naman ay binigyan ng binata ng sobrang good vibes dahil sa kanyang aliw ba style.

“ESPN IS WAVING”

“Mas mabilis pa tumakbo kesa sa point guard”

“na pressure mga players sa announcer…..”

“beti di ka pinasahan ng bola boss, mas nauna kapa bumaba hahaha”

“mala rucker park ah”

“nauuna pa bumaba eh HAHAHAA”

“mas matulin pa sya tumakbo kesa sa players”

“daig pa yung referee sa paghabol”