Esnyr, nagpakilig at nagpatawa sa bagong content tungkol sa tuksuhan ng mag ex sa hayskul

Maraming kinilig sa bagong content ni Esnyr kahit na siya din naman ang gumanap sa lahat ng role.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ilan marahil sa pinakamasasayang alaala ng high school ay ang mga tuksuhan ng magkakaklase lalo na sa mga loveteam sa classroom. Kaya naman patok na patok ang pinakabagong content ni Esnyr tungkol sa mga mag ex na shini-ship ng magkakaklase.

Huling-huli kasi ng content creator ang kilig ng mga tuksuhan at asaran, lalo na ang pagpapakipot ng girl at pagpapa-cute ng boy. Ang nakakatuwa pa, kinikilig din ang mga followers kahit parehong si Esnyr ang gumaganap sa lahat ng papel.

“Ang talino ng content at Ang galing ni esnyr”

“This always makes me laugh!! Grabe yung relatability ng content mo Esnyr. Thank you so much.”

“nakakamiss ang HS huhu”

“Ilang ulit nko nanunuod nito, yung ngiti ko abot parin hanggang tenga di nakaka umay”

“Nattawa ako sa teacher pula ang”

“Mata hndi n Ata nttulog si maam”

“Sa subra stress”