Drone shot. Magandang panahon. Bughaw na beach. Halos kumpletos rekados na ang beach run na plinanong gawan ng moment ng netizen na si Geo Garbo.
Hindi lang niya akalain na may sisira ng moment niya matapos siya habulin ng hindi lang isa or dalawang aso kundi isang ASOsasyon ng limang aso.
Sa Facebook post ni Geo, makikita siyang nagmo-moment sa isang beach at tumatakbo habang kinukuhanan ng drone shot ng bigla siyang sugurin ng mga aso.
“Asta gud IRO ga gukod nako (Even the dogs are chasing me),” caption ni Geo.
Sa kanyang interview sa Pilipino Star Ngayon Digital, inalala ni Geo ang moment na dapat sana ay isa lamang simpleng aesthetic drone shot.
“I already noticed the dogs before nila ako hinabol pero sabi ko sa sarili ko na, ‘Ah baka hindi ako yung tinatahol ng mga aso,” kwento ni Geo.
“Pero nung paglingon ko ulit sa kanila, ako pala talaga yung tinatahulan and they started chasing me na,” dagdag pa niya.
Bentang-benta naman sa mga netizens ang epic fail na kuha kay Geo.
“Buti na lang may dagat”
“Nabasa nang wala sa oras.”
“Natutong lumagoy bigla”
“Imbis nagmoment moment”
“ganda na sana ng moment at view Love….kaso ayung mga aso….jhajha.”