Kahit na ang mga pusa ay parang laging may sariling trip at walang pakialam sa kanilang mga amo, may isang simpleng paraan para mapauwi sila ng mabilis pa sa alas kuwatro.
Sa isang post ni Cara Alvarez, ipinakita niya kung gaano kabilis niyang napapauwi ang kanyang alaga kahit ito ay nasa galaan pa.
Ang kanyang ipinagbabawal na teknik, itinaktak lang ng amo ang pagkainan ng pusa sa sahig at nang marinig ito ng muning ay nagmamadali pa itong bumalik.
Agree naman ang mga kapwa furparents sa teknik na ito:
“Ganyan din pantawag ko sa mga puzaz ko. PAra laging gutom eh. Kalampag lang ng stenles nilang plate bigla sila maglapitan sakin hihi”
“Ang bilis nga”
(Courtesy: Cara Alvarez/FB)