Enjoy your rice! CARAT, masaya na sa kanin basta’t makapanood lang ng concert ng SEVENTEEN

Masaya naman magsakripisyo para sa mga idolo ang mga fangirls basta matagumpay silang makakakuha ng tickets.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Pag fangirl talaga ng mga K-pop idols, dapat handang magsakripisyo para makapanood ng concert, lalo na sa mga CARAT fandom ng SEVENTEEN sa napakasipag mag-world tour.

Sa isang nakakatawang post ng fan ni S.Coups, ipinakita niya na nagkakasya na siya kanin na walang ulam basta’t tagumpay siyang nakakuha ng ticket para sa concert.

Marami naman ang naka-relate sa fan at sinabing maging sila ay tipid na tipid na sa pagkain dahil ayaw nilang mahuli sa hanash ng kanilang mga idols.

“pag bentahan niyo pa ko ng vip tix, wala na yang kanin”

“enjoy your rice”

“Atleast may ticket”