Emma Tiglao, nagpabilib sa sagot sa finale ng Miss Grand International

Inilaban talaga ni Miss Grand Philippines Emma Tiglao mula simula hanggang katapusan kaya’t ang ending ay siya ang nag-uwi ng Miss Grand International crown.

Pak na pak ang naging sagot ni Miss Grand International Emma Tiglao sa final question kaya naman ang pambato ng Pilipinas ang nag-uwi ng korona sa international pageant.

Sa kanyang final answer, ipinakita ni Emma ang kanyang talino at kamalayan sa mga paksang panlipunan. Relate na relate din ang mg Pinoy fans sa kanyang tindig at atake sa lahat ng rounds ng kumpetisyon.

Ang tanong kasi kay Emma, sinubok ang kanyang kaalaman sa mga scams na nagiging daan para sa human trafficking at pangaabuso. Hiningi ng hurado ang kanyang palagay sa mga ganitong bagay.

“As someone who reports this kind of stories, I really want to use the power of balance, ask people to be educated and aware, for us to not be scammed, and the help of the government to enhance their justice system, for the scammers to be behind bars, to be accountable. Because one day, I hope that we will live in a peaceful world where no one should deceive just to survive,” aniya.

Kaya naman ang mga Pinoy fans, super proud kay Emma na nagmana ng korona sa isa pang Pinay na si CJ Opiaza para sa back-to-back crown ng Pilipinas sa patimpalak. Naging advance birthday gift pa ito ni Emma sa kanyang mommy na nag-celebrate ng kanyang kaarawan noong October 18, isang araw matapos ang coronation.