Emirates hanga sa Filipino work ethics, target na maka-recruit pa ng mas maraming Pinoy na cabin crew

Kilala ang mga Pinoy sa kanilang likas na pag-alaga at pag-asikaso saan man sulok ng mundo. Kaya’t target ngayon ng Dubai-based airline na Emirates na mag-recruit pa ng mas maraming Pinoy bilang cabin crew.

Nagsimula na ang unang round ng recruitment nitong Oktubre 17.

“Filipinos are good hosts, always extending a warm welcome to their guests,” ayon sa pahayag ng Emirates, na kasalukuyang may 775 Pilipinong cabin crew sa kanilang hanay.

Kabilang din ang mga Pilipino sa top 10 nationalities na nagtatrabaho sa nasabing airline, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Dagdag pa ng Emirates, “In addition, Filipinos are known to be helpful, sometimes even going out of their way just to help others.” Anya, kilala rin ang mga Pinoy sa kanilang strong work ethic kaya’t mahuhusay sila bilang empleyado at katrabaho.

Para sa mga nagnanais maging bahagi ng cabin crew ng nasabing airline, maaaring bisitahin ang website ng Emirates para sa karagdagang impormasyon.