Instant bonding ang nangyari sa isang street food stall nang makabonding sa paglalaro ng Mobile Legends ang tindero at customer habang nagluluto ng meryenda.
Sa TikTok video ni @dnsr__06, makikita ang unexpected pero sobrang nakaka-aliw na eksena habang bumibili siya ng meryenda. Kahit abala si Kuya vendor sa paglalaro ng Mobile Legends, hindi niya pinabayaan ang kanyang customer.
Buti na lang, game na game si Ate buyer at siya pa ang humawak ng cellphone para ipagpatuloy ang laban habang nagluluto si Kuya ng kanyang order.
@dnsr__06 amina kuya ipagfafarm kita basta itusta mo yung order naming kwek-kwek 😂 #mlbb #fyp ♬ Jet2 Advert – ✈️A7-BBH | MAN 🇬🇧
Nagmistulang teamwork at instant friendship ang tagpo na agad nagpasaya sa mga netizens. May mga nagbiro pa sa comments:
“naipanalo mo naman ba ate hahahaha”
“anong hero nya te?”
“panalo ba si kuya HAHAAHAHAH”