Efren ‘Bata’ Reyes, hindi lang G.O.A.T. sa bilyaran kundi inspirasyon rin ng mga bagets!

Ang OG cue artist na si Efren "Bata" Reyes ay masayang itinuturo ang mga trick shots sa mga kabataan.

Isa si Efren “Bata” Reyes sa kinikilalang G.O.A.T. ng mga pool at billiard players sa mundo. Ilang beses na siya nag kampeon sa world nine-ball championship, world eight-ball championship, at sa iba’t ibang world billiard competitions.

Sa kabila ng kanyang narating sa mundo ng bilyaran, hindi pinagdadamot ni Bata ang kanyang talento lalo na sa mga bata na nais sumunod sa kanyang yapak.

Sa isang video na pinost ni “Nadz Vlog” sa Youtube, makikita si Bata na walang alinlangang nagturo sa isang batang kanyang kalaban ng isa sa mga sikat niyang trick shot.

“Munting bata tinuruan pa ni idol efren,” kwento ni “Nadz”.

Agad naman umani ng papuri si Bata sa pagiging mapagbigay niya at hindi pinagdadamot ang kanyang galing sa pagbibilyar.

“Golden experience for that little beautiful girl. It will be cherished forever❤❤❤❤❤❤❤❤”

“This little girl she never forget Efren Reyes the legend pool forever.!”

“sinadya talaga ni Efren Bata Reyes na Hindi nya ipasok ung bola para maturuan nya Ang Bata ng tamang Tira at para na din Lalo pa maingganyo na maglaro ng billiard ang batang baabbae”

“Yung tipong isasablay mo nlang para sumaya Ang nakararami Lalo na si baby girl”

“The girl was like, what I did that shot with the goat.”