Iba rin talaga ang pagmamahal ng isang ama na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak.
Sa TikTok video na ibinahagi ni Pamela (@mommypamelamie), makikita ang kanilang ama na proud na nagsasabing nakapag-ipon ito ng halagang Php800 para makabili ng isusuot niyang damit para sa graduation ng kanyang ikalawang anak na magtatapos sa kursong Bachelor of Science in Accountancy.
Kuwento ni Pamela, hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang tatay dahil kinailangan niya nang tumulong sa pamilya kaya’t talagang lumambot ang puso niya nang makita ang pagpupursigi ng ama para makapag-ipon ng pera.
Ipinakita rin ni Pamela ang kanyang pag-iyak sa dulo ng video. Aniya, nag-flashback sa kanya ang lahat ng mga struggle na pinagdaan ng kanilang pamilya mula sa pagbayad ng tuition, pambaon, at iba’t iba pang mga pangangailangan.
Sa description ng video, inalala niya ang apat na taong pagtitiis sa hirap para lang mairaos ang pag-aaral ng kanyang kapatid.
@mommypamelamie Nakakatuwa na nakakaiyak na makita mo papa mong nagreready at masaya para sa college graduation ng anak nya. Ako ang panganay, 2years lang natapos ko dahil kailangan ko na din tumulong. Tatlo kaming magkakapatid puro babae and yung middle child is gagraduate na ng BS in Accountancy. Just wanna share this video dahil ang sarap lang makita na proud ang papa mo, nag ipon daw siya ng 800 pesos pambili ng bago nyang susuutin para sa graduation (knowing na saktuhan lang allowance nya everyday sa work pero nakapag ipon pa) Makita siyang naluluha habang nagsasabi na nag ipon sya ng 800 pesos sobrang nag memelt yung puso ko bilang panganay na anak. Nag flashback sakin lahat. Ang daming struggle sa buhay, pambayad ng tuition, pambaon na kailangan mong iraos araw araw, pambayad sa mga activities, pambayad sa mga ibat ibang expenses sa school, tapos pag walang pambayad mag popromisory sa school para makapag exam yung kapatid ko. Apat na taong pagtitiis sa hirap para lang mairaos ang pag aaral. Madalas gipit pero still blessed. Lalo na't meron kaming magulang na nasa tabi namin. Unti unti gagaan din ang lahat 🥹🥲 #bsaccountancy #GRADUATION #Proudparents #edukasyon #makeitviral ♬ kahel na langit – preview – Maki
Naramdaman din ng mga netizens ang pagmamahal ng ama nina Pamela.
“over naman ako sa iyak, di ko naman kayo kilala”
“sino kaba te bat moko pinapaiyak😭”
“Napaka genuine ni tatay 🥺💛”
“omgg bakit ako naiiyak hindi ko naman kayo ka-ano ano😭😭😭”
“Sending hugs to you ate. Nakaka proud si tatay pero nakaka proud ka din. Bilang panganay tayo ang nagsisilbing pangatlong magulang sa mga kapatid natin at nagiging kasangga ng mga parents natin sa mga struggles sa buhay. Nakakaproud kayo ni Tatay! ✨”