Bentang-benta sa mga netizens ang mga posts ng aktor na si Jake Ejercito tungkol sa generation gap nila ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada maging ng kanyang anak na si Ellie. Ngayon naman ay nagsanib pwersa sila ni Ellie para turuan ang dating pangulo kung paano mag eeeyyy!!!
Sa post ni Jake, makikitang tinuturuan ni Ellie ang kanyang Lolo Erap kung paano gawin ang posisyon ng mga daliri para sa “Eyyy” sign, pati na din kung paano dapat ikumpas ang kamay para gawin ang hand signal.
Ikinatuwa naman ng mga netizens ang bonding ng maglolo at ang pagiging cool ni Erap sa pagsakay sa trip ng kanyang apo.
“Pretty Ellie Nilaro nyo si eyyyyrap”
“Eeeeeyrap the best boss of ALPS leaders we love u sir ex. Pres/Mayor Joseph Ejercito Estrada”