Imbis na kumain ng balut o adobo, bumuwelo muna si Ed Sheeran sa pagkanta bago ang kanyang concert nitong Marso 9 gamit ang karaniwang libangan ng mga Pilipino: ang videoke.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sheeran ang paggamit ng videoke sa backstage habang ginagawa ang soundcheck sa kanyang one-night only concert kasama ang Ben&Ben at si Calum Scott sa SMDC Festival Grounds, Paranaque City.
Mapapanood sa video ang videoke sesh ng grupo na game na game kantahin ang “Love on Top” ni Beyonce, “Dancing Queen” ng Abba, “Thinking Out Loud” ni Ed, at “This Love” ng Maroon 5.
“Karaoke is a huge thing here in the Philippines, so I found a portable machine to wheel around backstage before the show tonight in Manila,” sinabi ni Ed sa kanyang caption.
“Shoutout to @benandbenmusic and @calumscott for bringing the A game,” pagpapasalamat ni Ed sa kanyang mga front act.