Easy access na mga bes! National ID pwede na sa smartphones

Pwede nang ma-access ng mga Pinoy ang kanilang national ID gamit ang kanilang smartphones at iba pang portable devices.

Pinadali na ang pag-access ng mga Pinoy sa kanilang national ID gamit ang smartphones at iba pang portable devices.

Inilunsad kamakailan ang Digital National ID at ang National ID eVerify ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa tulong ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, at ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, mas mapapadali na ang mga transaksyon dahil sa digital version ng national ID.

“It will enable efficient identity verification to significantly improve the overall efficiency and quality of government services, especially the delivery of responsive and timely social welfare benefits,” ayon kay Balisacan sa ulat ng Philippine Information Agency.

Kung ano man ang validity at functionality ng physical na national ID, ganoon din ang digital national ID, dagdag pa ng opisyal.

Ang national ID ay isang proof sa pagkakakilanlan ng isang Pinoy kung nakikipag transaksyon sa gobyerno at sa private sector.