Laugh trip ang dala sa netizens nang i-share ng isang digital creator ang kanyang malaking blooper dala nang kalabuan ng kanyang mata.
Hindi akalain ni Daniel Blancaflor na ang kanyang inaasahang dessert ay kay Bantay pala dahil ang cookies and cream flavor ng sikat na pretzel stick na kanyang nakuha para kainin ay Petpero pala, hindi Pepero.
Ang masaklap, nakadalawang stick na siya bago niya na-realize ang kanyang pagkakamali. Gayunpaman, binigyan pa rin niya ito ng rating na 8/10.
May pa-disclaimer naman si Daniel sa kanyang mga followers na malabo talaga ang kanyang mata na may gradong 600, pero hindi pa din siya nakalusot sa pangangantiyaw.
Ilan din sa kanyang mga kaibigan ang humirit na arborin na lang ang Petpero para sa kani-kanilang mga alaga.
“Sarap”
“Daanan ko na ba?”
“May cookies and cream din ba nito?”
“May 2 flavor pa dito irate mo na din”