DTI magbibigay ng free webinars para sa mga sari-sari store owners

Nilunsad ng Department of Trade and Industry ang isang programang susuporta sa mga sari-sari-store owners.

Sa pamamagitan ng programang “Tindahan Mo, E-Level Up Mo,” layon ng Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin at gawing mas mabenta pa ang mga sari-sari stores sa Pilipinas.

Sa advancement program na ito, tuturuan ang mga sari-sari store owners kung paano nila ma-scale up ang kanilang pagbebenta sa pamamagitan ng sustainable business models.

“Our purpose here is to give free webinars to our sari-sari stores every last Wednesday of the month, 9 a.m. to 10:30 a.m. from June until October,” sabi ni Cherryl Carbonell, ang officer in charge director ng DTI’s Consumer Affairs and Advocacy Office.

Inaasahan na sa tulong ng inisyatibo na inilusand noong Mayo na mapalakas ang kapasidad ng mahigit na 1.3 million sari-sari stores sa buong bansa.

Maraming modules ang inihanda ng DTI para matuto ang mga store owners na i-digitize ang kanilang operasyon at ma-expand ang kanilang market access, dagdag pa ni Carbonell ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer.

Sinabi ni Carbonell, sa ulat ng Inquirer.net, may inihanda ang DTI ngmaraming modules para matuto ang mga store owners nai- digitize ang kanilang operasyon at ma- expand ang kanilang market access.