‘Drive thru ligo’ to beat the heat, patok sa netizens ngayong tag-init!

Isang post ng netizen patok sa mga Pinoy dahil sa wais na paraan para maibsan ang sobrang init ng panahon.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hit na hit sa mga netizen ang kakaibang paraan ng pagpapalamig ng ilang kabataan matapos nilang sumabay sa pagpapalinis ng kanilang motor at bisikleta sa isang car wash shop.

Sa TikTok post ni Jhonny Deep Shop, makikita ang dalawang binata na sumama magpalinis sa kanilang bike at motor upang makalibre na ng paliligo sa gitna ng nakakapasong init ng panahon.

“Ligo na may konting carwash,” sabi ni Jhonny sa Tiktok caption niya.

Hindi lamang tubig ang nailibre ng dalawang binata kundi pati na din ang sabon ng katawan at mukha, may kasama pang “shampoo.”

@peppetmalupet ligo na may konting carwash 😅#fypシ #trendingtiktok #justforfun ♬ original sound – jhonnydeepshop

Aliw naman ang dala nito sa mga netizen at muling tumanggap ng papuri ang galing sa diskarte ng mga Pinoy.

“drive thru ligo”

“pati yung sakay naligo din e HAHAHA”

“yung tinatamad ka maligo at the same time magwashing ng motor”

“ganto pala para tipid kayo ni taiga e”

“pag ganitong super init ng panahon uubusin ko talaga 100 ko para lang jan maligo maya maya”

“5pesos nakapaligo ka na malinis pa motor mo” ###