Dream sequence, yaarn? Mga blurred na kuha ng isang fan kay Baekhyun, pinagpiyestahan ng mga EXO fans

Sharing is caring sana ang eksena ng isang EXO fan ngunit ang mga kuha niya kay Baekhyun sa concert nito sa Pinas ay mukhang kinapos sa linaw.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga fanboys at fangirls, dream come true talaga na mapanood ang kanilang mga idol ng live sa stage para sa concerts at fan meeting.

Siyempre bahagi na dito ang pagpi-picture ng event para may resibo at alaala ng kanilang core memory kasama ang kanilang idol at kapwa fans.

Ngunit paano na lang kung medyo sablay ang mga resibo pics mo sa iyong idol tulad na lamang ng fan na may X username na byeost nang I share niya sa mga kapwa EXO fan ang mga kuha nya kay Baekhyun habang nasa stage ito?

Idinaan na lang sa patawa ng fan ang kanyang mga palpak na kuha na ishinare niya online para sa mga hindi nakapanood.

Pinagkatuwaan din naman ng mga kapwa fans ang mga kuha niya.