Doug Kramer hairstylist era! Doug, kinarir ang pag ayos ng buhok ni Kendra

Kinarir ni Doug Kramer ang kanyang pagka-girl dad at ngayon ay siya na ang nag-aayos ng buhok ng panganay na si Kendra.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang mga kaibigan at fans ng Team Kramer sa isang post ni Doug kung saan siya ang kumakarir sa hairstyle ng panganay niyang anak na si Kendra.

Ani Doug, idinagdag na niya sa kanyang portfolio ang pagiging hairstylist dahil nauna na siyang naging photographer, videographer, dry cleaner, at bodyguard ng kanyang panganay.

Natuwa naman ang mga kapwa celebrities ni Doug dahil kitang-kita sa kanya ang pangangarir ng hair straightening ni Kendra kahit na ang kanyang specialty ay basketball.


Bunsod nito, kinantiyawan din ni Anne Curtis ang kanyang asawang si Erwan na mag take notes para sa kanilang anak na si Dahlia.

Ang founder naman ng Bullied Husbands Club na si Nico Bolzico, niyakag si Doug na magtatag ng No Boyfriends Club para sa kanilang mga anak na babae.

Si Isabelle Daza, may balak naman magpa-schedule ng appointment sa “salon” ni Doug.

Pero ang pinaka-nakakatawa ay ang balak ni Kendra na ipagawa na din sa kanyang daddy ang kanyang makeup sa susunod.

“Nextttt MAKEUP🔥🔥🔥🔥,” ani ng dalagita.