Dolphy is smiling down on you! ‘Home Along Da Riles’ fam, nag-paandar sa ‘Asoka’ makeup challenge

Matutuwa ang namayapang comedy king na si Dolphy sa latest collab ng kanyang “Home Along Da Riles” family sa kanilang kakaibang reunion.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi man kilala ng mga Gen Z ang mga cast ng long-running comedy sitcom na “Home Along Da Riles,” natuwa pa rin ang karamihan ng kanilang mga fans nang sorpresa silang nagpasiklab sa sa isang Asoka makeup challenge video.

Sa isang post ni Gio Angeles, ipinakita niya ang transformation nina Nova Villa, Claudine Barretto, Maybelline, Vandolph, Valdolph, Boy 2 Quizon, Smokey Manaloto, at iba pa nilang katropa.

Ang maganda pa nito, ginalingan talaga nila at nag-pasabog pa ng isang surprise sa dulo kung saan kasali pala ang isa pa nilang regular cast member na si Cita Astals sa kanilang pakulo.

Ikinatuwa naman ito ng mga netizens na nagsabing kung nasaan man ngayon si comedy king Dolphy ay matutuwa ito sa pagsasama-sama ng kanyang mga anak-anakan at kabigan sa show.

(Courtesy:Gio Alvarez/FB)

“I hope this will be the beginning of Cita Astal’s comeback so she can be back to her feet again. HATR casts, please help her. Thanks! Btw, kudos to all those in the video, especially Ms Nova and Ms Cita, great entry/work!”

“Oh my! didn’t expect Ms. Cita will be included! Thank you Home Along family for giving her a chance.. can’t wait for the reunion .. thanks to Mr. Julius Babao for featuring her”

“Nice to see Ms. Claudine, Maybelene, Jenny, Vandolph, Boy II, Gio, Smokey and Tita Nova. So thoughtful to include Ms. Cita Astals in this video. Watching all of you brought back childhood memories. Galing galing naman!”

“Dolphy is smiling down”

Matatandaang ang “Home Along Da Riles” ay isang sitcom na pinangunahan ni Dolphy bilang Kevin Cosme. Isa siyang masipag at mapagmahal na ama na nakatira sa gilid ng riles kasama ang kanyang pamilya.