Matagumpay ang furmom na si Khai na ma-train ang isa sa kanyang mga furbabies sa emergency protocol sakaling lumindol.
Sa kanyang video, makikitang nagkakagulo ang kanyang mga makukulit na furbabies maliban kay Coco, na nakikinig sa kanyang command na pumasok sa ilalim ng lamesa.
Pagkasabi nga na sumuot sa ilalim ng lamesa ay agad na sumunod ang furbaby at nonchalant na tumingin sa kanyang mama na para bang nagtatanong kung tama ba ang kanyang ginagawa.
Ilang ulit ding matagumpay na sumunod si Coco sa kanyang furmom kaya’t nasiguro ng mga netizens na hindi ito tsamba at nauunawaan ng aso ang kanyang ginagawa.
“ang talino nman ni coco, kakaturo lang sa kanya, alam na nya kaagad”
“Good job my Boss Coco Good Listener very Smart baby boy”
“Very good si coco hehehe”
Hindi lang sa disaster drills prepared si furmom Khai, maging sa evacuation ng kanyang furbabies ay naka ready na din siya. Sa isa pang video ay ipinasilip niya ang kanyang go bag para sa kanyang mga anak.