Sang’gre naman ngayon ang atake ng cutie na si Indai Eunice dahil ang kanyang talented na Mama Rochelle ay kinarir ang DIY costume niya para maging mini version ni Hara Mitena.
Sa kanyang YouTube post, ipinakita ni Mama Rochelle kung paano niya binuo ang base ng costume gamit ang fabric foam na karaniwan ding ginagamit ng mga cosplayers sa kanilang mga projects.
Gumamit din si Mama Rochelle ng paint at glitter para tumingkad ang kulay ng costume at lumutang ang pagka-royal ni Mitena. Siyempre, ginawan din ng matching headdress at wig ang costume ni Indai.
Inirampa naman ni Indai Eunice ang kanyang bagong outfit at mukhang pwede na itong mag cameo sa Sang’gre.