Diva in the making! Jessica Sanchez, ifinlex ang kanyang baby bump habang walang hirap na binirit ang ‘Golden Hour’

Pinatunayan na naman ni Jessica Sanchez na hindi biro ang Pinoy throat chakra sa kanyang memorable performance sa “America’s Got Talent.”

Muli na namang pinahanga ni Jessica Sanchez ang mga judges ng “America’s Got Talent” nang awitin niya ang “Golden Hour” ni JVKE sa live shows.

Walang kahirap-hirap na ibinirit ni Jessica ang kanta at poised na poised sa stage habang fineflex ang kanyang baby bump kaya naman ang mga audience, napatunganga na lang sa linis ng kanyang performance.

Hindi lang mga Pinoy ang naging proud kay Jessica kundi pati maging mga dayuhan ay approved na approved sa kanyang number.

“she’s pregnant and singing a spectacular performance. 👏👏🤩”

“Literal chills!!! Please America!! Jessica deserves this!! She’s waited too long. 😭💗”

“You are winning this, Jess! It is your time! 🔥🔥🔥🙌”

“She’s incredible”