Kapag may kinalaman sa fashion, marami ang handang magtiis para hindi masira ang porma. Para sa atletang si Caroline Joyeux, girlfriend ng World No. 3 pole vaulter na si EJ Obiena, na-activate ang kanyang Disney princess mode dahil sa kanyang damit.
Sa kanyang nakakakilig na post, pabirong sinita ni EJ ang kanyang nobya na kailangan pa niyang pagsaraduhan ng pinto ng kotse dahil hindi ito makagalaw. Nang tanungin ni EJ kung bakit tila nag-freeze na ang kanyang jowa sa silya ng sasakyan, sinabi nitong ayaw niyang nagusot ang kanyang damit dahil maselan ang tela nito.
Natatawa naman siyang kinantiyawan ni EJ pero naging gentleman pa din ito sa kanyang girlfriend.
Natuwa naman ang mga netizens sa dalawa:
“She’s just a girl sitting in front of a boy, asking him to close her door 😆”
“Love birds ❤️❤️❤️”
“sanaol 🥹”