Pag dating talaga sa pagpapadali ng trabaho, ibang level ang diskarte ng mga guro. Paano ba naman, ilang daang test papers ang kailangan nilang mabigyan ng grade sa kada upuan kaya’t kailangan maging wais sa patapos ng kanilang mga trabaho.
Sa isang FB Reels ng Da Vlogs, maraming humanga sa isang teacher na gumawa ng correction key para sa multiple choice sa pamamagitan ng paggupit ng isang test paper. Dahil sa mga butas na kanyang nagawa nakikita niya kung na shade-an ng estudyante ang tamang sagot kaya’t napapabilis din ang kanyang pag checheck ng mga papel ng mga ito.
(Courtesy: Da Vlogs /Facebook)
Umani naman ang diskarteng ito ng papuri mula sa mga netizens:
“Yan si mam maparaan”
“I use the same technique”
“Nice idea yan Mam”
“Wow maganda din ang technique na yan maam.”
“Mayroon din namang nag suggest kay Ma’am ng ilang apps na pwedeng gamitin ng mga teacher para mapabilis ang kanilang pag checheck. Pero aminin! Ang taba ng utak ni mam sa naisip niyang hack!”