Diskarte ng isang teacher sa Samar para gisingin ang mga inaantok na estudyante sa klase, kinaaliwan ng netizens

Humahataw sa sayaw ang mga estudyante sa isang paaralan sa Eastern Samar para huwag antukin sa klase.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kalaban ng mga estudyante ang antok tuwing may klase sa hapon, na kadalasang nakakaapekto sa kanilang pagiging produktibo.

Kaya’t ang sagot sa hamong ito ni Teacher Eugenio Colima Dialino Jr., isang MAPEH (Music, Arts, Physical Education, and Health) at Special Program For The Arts (SPA) Coordinator ng Llorente National High School sa Eastern Samar, ay pasayawin ang kanyang mga estudyante sa hapon.

Bago pa man niya simulant ang kanyang unang klase sa hapon, todo hataw ang mga mag-aaral sa mga uso at nakakaaliw na kanta tulad ng “Maybe This Time” at “Chikading.”

Makikita sa kanyang Facebook page at YouTube channel na may pangalang Teacher Eugene Files ang mga video ng mga estudyanteng nag-eenjoy sa pagsayaw.

Napasaya rin ni Teacher Eugene ang mga netizen sa kanyang paraan na ito:

“Lagi ako natatawa pagnakikita ko videos niyo πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„”

“Love the way you start your class with good vibes and energetic mood Sir. Sure your students are awake when you start teaching. Kudos and keep it up!πŸ’šπŸ‘πŸ˜„πŸ‘”

“The students’ energy reflects the teacher’s energy. Lucky students. The sort of teacher that can make the students go a long way by attitude πŸ‘β€οΈ”

“You’re an asset to your school ! Very energetic MAPEH teacher ,keep it up ,hope for your promotion!”