Dinog show! Mga Pinoy fans ng ‘Queen of Tears,’ may nakakatawang ganti kay Yoon Eun Sung

Imbes na kainisan, ginawang katatawanan ng mga Pinoy fans ang kontrabida ng love story nina Hong Hae In at Baek Hyun Woo na si Eun Sung.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para-paraan na lang ang mga hard core fans ng “Queen of Tears” dahil sa sobrang inis sa kontabidang si Park Sunghoon na gumanap sa role ni Yoon Eun Sung, isang lalaking obsessed sa bidang si Hong Hae In (Kim Ji Won) kaya’t lahat ay gagawin para masira ang relasyon nila ng asawang si Baek Hyun Woo (Kim Soo Hyun).

Dahil hanggang huli ay hindi pa rin matigil ang kasamaan ni Eun Sung, minabuti na lang ng isang fan na gawing katatawanan ang ilang nakakainis na eksena niya sa pamamagitan ng paggamit ng mga filters dito.

Sa simpleng paraan ay naibsan ang inis ng mga netizens sa kontrabida at kahit paano ay nakapaghiganti din sa lahat ng kasalanan nito sa mga bida.

Gayunpaman, hanga pa rin ang mga fans sa acting skills in Sunghoon, na kailan lang ay nagbiro na ayos lang isumpa ng mga tao ang kanyang karakter basta’t wag magalit sa kanya.

“Yung sa sobrang inis mo ginawa mo na lang siyang katawa-tawa para hindi ka mainis sa kaniya.”

“Yung hndi mo masapak kaya tamang dogshow na lang sa kanya”

“Tutulog nalang nadaanana pa! pakibalik ung antok ko!”