Dinog show! Laugh trip, dulot ng mga OFWs sa pag awit ng ‘Kawawang Cowboy,’ ‘Banyo Queen’ sa UAE

Umabot ang kakulitan ng mga Pinoy sa beach area ng UAE kung saan napag tripan ng ating mga kababayan ang isang musikerong banyaga.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Laugh trip ang naging reaksiyon ng isang artist nang “mabiktima” siya ng kakulitan ng mga Pinoy sa crowd habang siya ay nag pe-perform sa isang beach area sa UAE.

Sa video na inupload ng content creator na si Boss Mike, makikitang kumakanta ang singer ng awiting “Like a Rhinestone Cowboy” na pinasikat ni Glenn Campbell noong 1975 at napapalibutan siya ng isang malaking audience. Lingid sa kanyang kaalaman, karamihan sa kanyang mga “fans” ay mga OFWs na nagtatrabaho sa bansa.

Kalaunan nang umabot na sa chorus ng kanta, nagulat siya nang sabay sabay na umawit ang mga Pinoy na nasa audience ng Filipino parody version ng kanta. Imbes na “Like a Rhinestone Cowboy” ang sabay sabay na kinanta, naging “Ang Kawawang Cowboy” tuloy na pinasikat naman ni Fred Panopio noong 1983.

At hindi pa doon nagtapos ang lahat dahil sa isang pagkakataon habang inaawit ang kantang “Stand By Me,” ay na-hijack na naman ng mga Pinoy ang kanta at ginawang chorus ng “Banyo Queen” ni Andrew E.