Dinog show! Kapatid na inatasang mag video ng panganganak, ginamitan ng makulit na filter ang ate at kuya

Kakaibang mga memory ang natanggap ng isang mag asawa nangg ipinagkatiwala nila ang pag vi-video sa kanilang kapatid.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ang panganganak ay maitututing na isa sa mga memorable na kaganapan sa buhay ng mag asawa dahil ito ang hudyat na madadagdagan na ang kanilang pamilya. Ngunit isang viral na insidente ang maaring maging babala sa iba pang mag asawa sa pagpili ng kanilang pagkakatiwalaan para mag document ng okasyong ito.

Sa isang video na pinost ni Iraah Jenkins, ipinakita niya ang naging resulta ng pagkuha ng video ng kanyang kapatid habang naghahada silang mag asawa sa pag welcome sa kanilang bagong baby. Ang siste, ni walang isang matinong kuha dahil kung ano anong filter ang ginamit ng kanyang kapatid sa kanilang mukha.

May mga kuhang kamukha nila ang halimaw na si Momo at mayroon din namang kahawig nila si Gollum ng Lord of the Rings. Marami naman ang natawa sa mga videos at naniniwalang meron din namang mga regular na videos na kinunan ang kanyang kapatid.


Omg this is horrific lmao 🤣 I would’ve been so mad at my sister 😂

I thought she was possessed at first until I realized it was a filter lol 😂

I’m dying this is so cute and funny. Hope she has regular ones too tho😁

I can’t take that serious 🤣🤣🤣🤣 that’s to funny 🤣🤣🤣 sorry mama 🤣🤣 you get some unique birthing memories.

may god bless you and your new founded family.