Diagonal na medyo patagilid! Kuya Kim, may witty na hirit sa kanyang pagkakahawig kay Gong Yoo

Kahit hindi aprub ang ilang fans ni Gong Yoo sa pagkakahawig nito kay Kuya Kim Atienza, hindi naman nagpadaig ang host sa kanyang sagot.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May hirit din ang TV host na si Kuya Kim Atienza sa isang netizen na ayaw tanggapin ang kanyang pagkakahawig sa “Squid Game” star na si Gong Yoo.

Sa kanyang post sa X, may makulit na hirit si Kuya Kim, sinagot niya ang naguguluhang “Squid Game” fan na hindi daw ma-gets kung saan banda naging kamukha ng host ang “Train to Busan” star na si Gong Yoo.

Diagonal na medyo patagilid, sagot niya, na pumatok naman sa kanyang mga supporters.