Di nakapagpigil! Groom agad sumagot ng ‘I do’ bago pa tanungin ng pari, netizens tawang-tawa

Nagpatawa sa madlang netizens ang mala-comedy sitcom na eksena sa isang kasalan sa Quezon City.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa isang kasalan sa Quezon City, aakalain mong nanonood ka ng pelikula ni Dolphy, Vic Sotto, o ni Vhong Navarro dahil sa isang nakakatawang eksena.

Sa Tiktok post ni CJ Tan, makikita ang kanyang asawang si Joaquin na handang-handang magsabi ng “I do” nung kasal nila noong nakaraang buwan.

Ang kaso, hindi pa siya natatanong ng pari ay agad-agad na ang kanyang groom na sumagot ng “I do.” Sinagot naman agad ito ng pari na “wala pa akong tinatanong,” na siyang nagdala ng tawanan mula wedding guests.

“He said ‘I do’ like it was reflex,” caption ni CJ. “Definitely a memorable wedding.”

@ceejtann Definitely a memorable wedding 😆 #wedding #mvp #weddingcomedy #comedyvideo #excited #foryou ♬ original sound – CJ Tan

Tuwang-tuwa din ang mga netizens sa eksenang parang hango sa mga sitcom o comedy films.

“Gutom na daw kasi father hahahaha”

“Excited naman masyado sa honeymoon”

“Wala ng paligoy ligoy. ‘I do’ na agad.”

“Segurista si sir.”

“Kasal na kasal na si groom.”